Manila Water to install more fire hydrants


Fire Hydrant new logo

Months before the start of this year’s summer season, Ayala-led Manila Water said it will continue to install more fire hydrants in its concession area as part of its service continuity program.

Manila Water OIC for Corporate Strategic Affairs and Corporate Communications Head Jeric Sevilla Jr. said Manila Water currently operates 3,237 fire hydrants in its concession area as of the end of 2015.  Sevilla added that personnel have also been deployed to monitor and ensure that these fire hydrants are properly maintained and ready to be use in cases of fire, particularly during the summer season where temperatures are expected to be hotter.  Teams also ensure that the fire hydrants are not tampered nor used for unauthorized withdrawal of water.

Of the 3,237 fire hydrants installed, 918 are located in Quezon City, 349 in Makati, 396 in Pasig, 475 in San Juan and Mandaluyong, 361 in Taguig and Pateros and 258 in the province of Rizal.

Apart from the operation and maintenance of these facilities, Sevilla said Manila Water is also conducting a regular information campaign among barangays in the East Zone on how to use the fire hydrants during times of emergencies. (JERIC T. SEVILLA, JR., Head, Corporate Communications, Manila Water, Inc.)

Advertisements

MANILA WATER, NAGHAHANDA NA SA NAGBABADYANG MATINDING EL NIÑO


Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Manila Water, ang konsesyunaryo ng silangang bahagi ng Metro Manila, ang El Nino na inaasahang  mas titindi pa sa huling bahagi ng kasalukuyang taon, na maaaring tumagal pa hanggang sa unang tatlong buwan ng 2016, ayon na rin sa pahayag Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inihayag ni Manila Water OIC for Corporate Strategic Affairs Group at Corporate Communications Head Jeric Sevilla, na ang Manila Water ay nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya na kasapi sa El Niño Inter-agency Technical Working Group upang maagang makapaghanda at nang maibsan ang posibleng epekto ng matinding El Nino. Dagdag pa ng PAGASA, mas mababa at maaaring hindi sapat ang dami ng ulan na darating upang punuin ang Angat Dam na siyang pinagkukunan ng tubig para sa halos 15 milyong residente ng Metro Manila.

Sa kasalukuyan ay nasa 180 meters lamang ang lebel ng Angat Dam, lubhang mababa sa kinakailangang lebel na 212 meters na siyang target sa pagtatapos ng taon.

Paliwanag ni Sevilla na bagama’t nananatiling normal ang suplay ng tubig sa mga kostumer kahit binabaan ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila, umaasa lamang ito sa mga inflows na nagmumula sa Ipo at La Mesa. Bukod pa dito, malaking tulong din ang mga naunang pagsasaayos ng water network ng Manila Water kaya’t bumaba ang antas ng nasasayang na tubig o system loss sa 11%  Dahil dito, nasisigurong ang tubig mula sa mga treatment plant ay makaaabot mismo sa mga kostumer.

Ibinahagi ng Manila Water ang plano nito upang maibsan ang nagbabadyang kakulangan ng suplay sa pamamagitan ng patuloy na pagsasaayos ng mga linya ng tubig, paniniguro na patuloy na gumagana nang maayos ang lahat ng mga pasilidad, kabilang na ang mga treatment plants, pump stations at mga reservoirs o imbakan ng tubig; paggamit muli  ng mga deepwells upang may pandagdag sa suplay; paghahanda ng mga mobile treatment plants; at implementasyon ng supply at pressure management schemes sakaling kinakailangan.

Patuloy rin na nanawagan ang Manila Water sa lahat na ugaliin ang wasto at responsableng paggamit ng tubig upang magkaroon ng sapat na suplay hanggang sa tag-ulan sa susunod na taon.

Ang Manila Water ang naghahatid ng serbisyong tubig at sanitasyon sa ilang bahagi ng Quezon City at Maynila, Pasig, Marikina, San Juan, Pateros, Taguig, Makati, Mandaluyong kabilang na rin ang  lalawigan ng Rizal.

Posted By: Lynne Pingoy

Boracay Water inks deal for more projects in Aklan


In the recently concluded Aklan Investors’ Forum, Boracay Water signed a Memorandum of Understanding with the Provincial Government of Aklan to further contribute to the rapid and sustainable development of the province by expanding its business operations from the current 3 barangays in Malay to the entire Province of Aklan.
In the next two to three years, Aklan is seen to benefit from an estimated P20-billion worth of public and private investments with agriculture, tourism and manufacturing sectors as projected key growth areas.
According to Boracay Water General Manager Joseph Michael Santos, a key component in sustaining tourism and economic opportunities includes more efficient water services. “Since it started operations in 2010, Boracay Water has shown its support for Aklan’s continued development by implementing projects amounting to over P1billion, centered on improving the provision of water and used water services in its concession area,” said Santos.
He added that in line with the investment forecast for the coming years, Boracay Water has already financed two major projects with a total cost of almost P600 million. The construction of the Nabaoy water transmission line will increase water supply capacity from 14.5 million liters per day (MLD) to 20 MLD by the end of this year. On the other hand, the completion of the Manocmanoc Sewer Network and Sewage Treatment Plant (STP) in 2016 with a capacity to treat 5 MLD will increase used water coverage in the Island of Boracay to 75% from 35% as of end of 2014.
With the joint understanding, projects for the domestic, commercial and industrial water requirements in Aklan will soon be established.
Boracay Water, a subsidiary of Manila Water Philippine Ventures, is formed through a partnership with the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority in 2009. Currently, the company provides water and used water services in Boracay, Malay, Aklan particularly in the barangays of Manocmanoc, Balabag and Yapak.
Boracay Water MOU signing with PGA
Posted by: Freda Migano

Manila Water, magsasagawa ng desludging ngayong Enero


Magsasagawa ang Manila Water ng malawakang desludging schedule simula ngayong Enero bilang bahagi ng programang pagbibigay ng maayos na serbisyong pang-sanitasyon sa higit 6.3 milyong residente ng East Zone. Uumpisahan ng Manila Water ang desludging o pagsisipsip ng posonegro sa iba’t ibang barangay sa Quezon City, Marikina, Rizal, Makati, Pasig, San Juan,Taguig at Pateros.
“Ang desludging ay isinasagawa kada limang taon sa bawa’t barangay upang malinis ang mga posonegro ng mga kabahayan” paliwanag ni Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand Dela Cruz.
Nakapila sa desludging schedule ngayong Enero ang Barangay Escopa 2, 3 at 4, Loyola Heights, Capitol Homes, Sitio Payong, Vista Real at Tierra Pura ng lungsod ng Quezon.
Uunahin din ang Barangay Socorro at San Roque sa Cubao Quezon City, Barangay San Perfecto sa San Juan at Barangay Malanday ng lungsod ng Marikina.
“Nakatakda rin ngayong buwan ang desludging sa iba’t ibang barangay sa lalawigan na Rizal kasama na ang barangay San Jose at San Roque sa lungsod ng Antipolo gayundin ang barangay Rizal at Santiago ng Baras.
“Hinihikayat din po namin ang mga residente na aming nasasakupan na makipag-ugnayan sa inyong mga barangay upang makasama sa listahan ng mga kabahayang maseserbisyuhan ng pagsipsip ng posonegro,” paliwanag ni Dela Cruz.
Bahagi rin ang mga sumusunod na barangay sa desludging activity ngayong buwan; Barangay Buting, Kalawaan, Pineda, Caniogan, Rosario at Santolan ng Pasig. Kasama rin ang Barangay Fort Bonifacio ng Makati, Barangay Bagong Silang ng Mandaluyong,  Barangay San Isidro ng Taytay, Barangay Mahabang Parang at Pag-Asa ng Binangonan.
Sa mga nais magpa-iskedyul ng desludging, maari lamang makipag-ugnayan sa Manila Water o tumawag sa Manila Water Hotline 1627.
Ang Manila Water ay ang pribadong kumpanya na konsesyunaryo ng silangang bahagi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na nagbibigay ng serbisyong patubig at alkantarilya sa mga  residente ng Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Pateros, Mandaluyong, San Juan, ilang bahagi ng mga lungsod ng Quezon City at Maynila pati na ang lalawigan ng Rizal.
Posted by: Freda Migano

Clark Water at Nanox Philippines magkatuwang para sa reforestation


Kabilang na ang Nanox Philippines, Inc. sa mga kabalikat ng Clark Water sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mahigit na 8,000 puno hanggang taong 2020. Sa pamamagitan ng isang katatapos na treeplanting activity, 100 halaman ng mahogany ang itinanim ng dalawang kumpanya sa isang used water facility ng Clark Water.
Sa kasalukuyan, higit sa 1,000 puno na ang naitanim ng Clark Water sa 27-hektaryang pasilidad, patunay sa pagpapahalaga ng Clark Water sa pangangalaga sa kalikasan. Ang isinagawang pagtatanim ng dalawang kumpanya ay pangalawa pa lamang sa mga nakatakdang aktibidad na isasagawa sa taong ito.
Ang Clark Water ay ang sangay ng Manila Water Philippine Ventures na nagbibigay ng serbisyong patubig at gamit na tubig sa Clark Freeport at Clark Special Economic Zone.
Posted by: Freda Migano

Water Sectors prepare for El Nino mitigation


Nitong Hunyo lang ay inanunsyo ng PAG-ASA ang opisyal na pagpasok ng tag-ulan at nasa labing-isa hanggang labing-anim na bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibilty (PAR) mula Hulyo hanggang sa buwan ng Disyembre.

Ngunit sa ikatlong bahagi ng taon, ayon sa PAG-ASA ay unti-unti na ring mararanasan ang epekto ng El Nino at inaasahang titindi pa ito sa mga huling buwan ng taon hanggang sa summer sa 2016.

Sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan ngayon dito sa Kamaynilaan, maaring magtagal lamang daw ito hanggang sa buwan ng Setyembre. At dahil dito nagsasagawa na ng hakbangin ang iba’t-ibang water sectors upang mapagtuunan ng pansin ang maaaring epekto ng El Nino sa pagsu-supply ng tubig.

Ang Technical Working Group on Angat Reservoir Operation and Management (TWGAROM) na binubuo ng NWRB, MWSS, Maynila Water, Maynilad, NIA, PAG-ASA, NAPOCOR at Angat Hydropower Corporation ang nangunguna sa maayos na alokasyon ng tubig. Umaasa sila na sapat ang ulan hanggang Setyembre upang maabot ng Angat Dam ang manageable water level nito para sa suplay ng tubig sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre at hanggang sa mga unang buwan ng 2016 kahit pa maranasan na ang El Nino.

Di lingid sa kaalaman ng lahat na ang Angat Dam ang sumusuplay ng tubig sa maraming kabahayan at establisyemento sa buong Metro Manila at sya ring pinagkukuhanan ng nasa 28, 000 hectares na bukirin sa Bulacan at Pampanga para sa kanilang irigasyon.

Dahil sa forecast na ito ng PAG-ASA, proper water management naman ang tugon ng mga major supplier ng tubig. At sa kabila ng kanilang mga ginagawang hakbangin, hiling din nila na makipagtulungan ang publiko at maging resonable sa paggamit ng tubig. Ani ni Sevillo D. David Jr., Ph.D, Executive Director ng NWRB, na ginagawa nila ang lahat ng paraan para masigurong matugunan ang pangangailangan ng lahat sa tubig ngunit umapela siya sa publiko sa tamang pag-konsumo ng tubig.

Sa kabila ng napipintong El Nino ay hindi raw makararanas ng kakulangan sa pagdi-distribute ng tubig ang mga suplayer. (Freda Migano)

Ayala Sustainability Council nakilahok sa Manila Water Nature Walk


Nagsagawa ng isang nature walk sa La Mesa Watershed area ang mga opisyal at miyembro ng Ayala Sustainability Council, isang grupo ng mga sustainability advocates mula sa iba’t-ibang sangay ng Ayala kasama ang mga concessionaire ng Manila Water East Zone.

Ang mga kalahok sa naturang nature walk na masugid na sumusuporta sa sustainability practice na ito ng Ayala Corporations ay binagtas ang area na may layong 3.5km upang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng watershed at sa pagbibigay nito ng water supply sa Metro Manila.

Nakilahok din sa nasabing aktibidades ang kinatawan ng Manila Water Scoopers na si Bonar Laureto mula sa Philippine Business for the Environment and Phillip Fullon of Global Footprint Network.

Ang Manila Water ay ang pribadong kompanya ng Metropolitan Waterworks at Sewerage System na nagbibigay ng tubig at serbisyo sa bahagi ng Quezon City at Manila, Mandaluyong, San Juan, Taguig, Makati, Pateros, Marikina, Pasig at ilang bayan ng Rizal Province. (Freda Migano)