Mga katuparan ng proyektong “PhilCCAP”, ibinida


“Adapt. Survive. Now. #ThePhilCCAPstory,” iyan ang tema ng pagtatampok ng Philippine Climate Change Adaptation Project (PhilCCAP) sa mga natatangi nitong kontribusyon sa pag-aangkop ng bansa sa mabilis na pagbabago ng klima nitong ika- 29 ng Nobyembre sa Lungsod ng Quezon.

Ang mga magsasaka ang pangunahing naaapektuhan ng mabilis na pagbabago ng klima kung kaya't sila ay isa sa mga benepisyaryo ng programang PhilCCAP.
Ang mga magsasaka ang pangunahing naaapektuhan ng mabilis na pagbabago ng klima kung kaya’t sila ay isa sa mga benepisyaryo ng programang PhilCCAP.

Ang  proyekto na nagsimula pa noong 2011 ay naglalayong mailunsad nitong Martes, ika- 29 ng Nobyembre, ang mga instrumentong pang- kaalaman at maitanghal pati ang mga matatagumpay na programa na nagawa ng kooperasyon.

Tinatayang Php 4.9 milyon ang inilaan ng World Bank sa proyektong ito na naglalayon na maiangkop ang mga komunidad mula sa matinding epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangmatagalang solusyon at paglulunsad ng mga proyektong kapaki- pakinabang, ayon kay Mr. Wilbur Dee, tagapamahala ng proyekto.

Ipinapaliwanag sa media ng direktor ng proyekto na si G. Wilbur Dee ang mga magagandang naidulot na ng PhilCCAP.
Ipinapaliwanag sa media ng direktor ng proyekto na si G. Wilbur Dee ang mga magagandang naidulot na ng PhilCCAP.

Ipamamahagi simula ngayong araw ang mga produkto tulad ng Good Climate Change Practices Manual mula sa Climate Change Commission (CCC), Enhanced Climate- Smart Farmers’ Field School (ECSFFS) ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), at mga kaalaman mula sa Weather Index- Based Crop Insurance (WIBCI) ng Philippine Crop Insurance Corporation.

Ang simbolikong paghahandog ng mga instumentong pangkaalaman na nalikha ng programa para sa iba't ibang ahensya ng gobyerno na higit na naaapektuhan ng krisis ng klima.
Ang simbolikong paghahandog ng mga instumentong pangkaalaman na nalikha ng programa para sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na higit na naaapektuhan ng krisis ng klima.

Ibinahagi din sa kumperensya ang mga plano ukol sa Peñablanca Protected Landscape and Seascape (SIPLAS) ng Biodiversity Management Bureau.

Kalakip din nito ang mga instrumento mula sa PAG-ASA  gaya ng mga ulat ukol sa klima ng bansa, mga polisiya, at manwal ng lokal na pamahalaan sa Geographic Information System (GIS) mapping.

Ibinida rin sa programa ang mga napagtagumpayang proyekto ng CCA tulad ng paglulunsad ng Online Knowledge Management System na Community of Practice (CoP) na naglalaman ng  mga impormasyon ukol sa pagbabago ng panahon, mga rekomendasyon sa pagpapatayo ng mga pasilidad at iba pang mga serbisyong panlabas sa larangan ng agrikultura.

Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga kinatawan mula sa World Bank, Department of Environment and Natural Resouces (DENR), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), PAG- ASA, at mula sa akademya.

Tinatayang matatapos ang proyekto sa darating na katapusan ng taong ito. (Ace Palaganas)

Advertisements

Author: tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer who rose from a clan of artists and novelists.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s