QC HANDA NA SA SONA AT TRAPIKO


Nagtalaga ng mga bagong ruta na puwedeng daanan sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 25 (Lunes) ang Quezon City Public Order and Safety (DPOS).

 

Tinukoy ng DPOS ang Mindanao Avenue via Quirino Highway o Sauyo Road bilang isa sa mga alternatibong  daan kung patungong Fairview at ang Tumana-Balara Road kung papuntang Marikina, Montalban at San Mateo.

 

Makikipag-unayan ang DPOS sa QC Police District-Traffic Enforcement Unit (QCPD-DTEU) upang maisaayos ang traffic management plan sa SONA ni Pangulong Duterte.

 

Base sa traffic deployment report ng DPOS, may kabuuang 411 traffic personnel ang magbibigay ng traffic assistance sa mga motorista simula 4:00 ng umaga hanggang sa matapos ang SONA ng Pangulo.

 

Tutulungan naman ang mga traffic enforcer ng pulis at traffic management force ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

 

Pagtatalaga rin ng rescue team ang DPOS upang umalalay kung may mangyayaring emergency na mangangailangan ng medical assistance.

 

Inaatasan naman ang mga barangay public safety officer (BPSOs) na mangalaga sa trapiko sa mga secondary at inner street sa QC. # (ARES P. GUTIERREZ, Chief, PAISO)

Advertisements

Author: tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer who rose from a clan of artists and novelists.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s