UNANG PILIPINANG ITINALAGANG CEO NG MONSANTO


 

13508824_10154325150554343_2135380857934934995_n

ANG KAUNA-UNAHANG BABAENG PILIPINO NA NAGING CEO NG MONSANTO. Si Ms. Rachel P. Lomibao, Commercial Lead for the Philippines of Monsanto pagkatapos nang isinagawang maikling dula ng UP-LABS na hango sa librong katha ni Charina Garrido-Ocampo na pinamagatang “Lina’s Town”.

PAGKALIPAS ng 45 taon ng pagnenegosyo ng Monsanto sa Pilipinas sa wakas ay may itinalagang Pilipina upang mamuno sa kilalang kumpanya sa buong mundo.

 

Ayon kay Chat Ocampo, Monsanto Corporate Engagement Lead na isang malaking panalo sa mga kababaihang Pilipino ang pagtatalaga kay Rachel P. Lomibao na dating Marketing Lead ng nasabing kumpanya.

 

Aniya, isang katibayan ito na ang Monsanto ay naniniwala sa galing ng isang babaeng Pilipino at nagbibigay ng pantay pagkakataon sa lahat upang maitaas ang antas ng kanilang posisyon lalaki man o babae.

 

Ang bagong talagang Country Lead ng Monsanto sa bansa ay nagtapos ng Bachelors degree in Communication sa Unibersidad ng Pilipinas at natapos ang Masters degree in Business Administration sa Ateneo Graduate School of Business.

 

Si Lomibao ay tubong Pangasinan, isang magsasaka at naging kabilang din ng samahan ng Philippine Science Journalist National.

 

Layunin ni Lomibao na paigtingin pa ang paggamit ng siyensya at teknolohiya sa pagsasaka upang  maitaas ang antas ng kalidad ng pamumuhay ng magsasaka at matiyak na may pagkaing maihahapag sa lamesa ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng produktong Bt Corn ng Monsanto sa magsasakang Pilipino.

 

Itinalaga si Rachel Lomibao nang tinanggap ni Sandro Rissi ang kanyang bagong tungkulin sa Monsanto bilang South America Corn Business Lead na nakabase sa Brazil na bayang sinilangan ng huli na isang Agronomist.# (Cathy Cruz)

About tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer and rose from the clan of artist and novelist.
This entry was posted in About Us. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s