MTRCB Dapat Sumunod sa Panawagan ukol sa Pagbigay ng Antas sa Larangan ng Sining at Pelikula na Nagpapakita ng Paninigarilyo


By: Adela Garapan Ida

Ang New Vois Association of  the Philippines (NVAP) ay nananawagan sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na sumunod sa panawagan ng World  Health Organization sa pagbigay antas sa Larangan ng Pelikula na nagpapakita ng eksena tungkol sa  paninigarilyo.

 

Ayon sa  Pangulo ng NVAP, Elmer Rojas walang dahilan ang MTRCB na balewalain ang panawagan ng WHO  tungkol  dito  sapagkat ang  layunin lamang nila ay mabantayan  ang kapakanan ng milyong  milyon  mga  bata  na huwag masangkot sa  paggamit  nito.

 

Ang MTRCB ay isang kinatawan  na inatasan  ng  ating Pamahalaan upang pangalagaan  ang  kapakanan ng  Sining  at  Pelikula  sa  ating  bansa.  Tungkulin  din nila  na  masusi  pagaralan  ang  bawat  ipinapalabas ng media  at  bigyan  antas  at  suriin  kung  saan  angkop  ang  istorya  ng  sa ganun  hindi  ito  labag  sa moralidad  at  kaisipan  ng  tao at  higit  sa  lahat  ang  kabuuhan ng mga  bata.

 

Ang  Pilipinas  ay isa sa mga kasapi at lumagda sa WHO Framework  Convention on Tabacco Control (WHO FCTC) na  dapat  tayo  makiisa  sa  pagkilos  at panawagan ng  ating Pamahalaan  bawasan at iwasan ang paggamit ng sigarilyo upang mapangalagaan  ang  kalusugan  ng   tao.

 

Ayon  sa  pananaliksik  at  masusing pag-aaral ng mga  dalubhasang kinatawan ng WHO,  ang  media  ang pinakabisa  at malaki  ang impluwensya upang  tahasan tutulan  ang talamak  na  paggamit  ng sigarilyo  at  muling  idiin  ang epekto nito  ay nakakasira   sa  kalusugan  at  kinabukasan .

 

Dahil dito, ang WHO  ay  nagrerekommenda  sa Industriya ng Pelikula  na magkaroon ng  Advertisement  tungkol  sa negatibong  epekto  ng paninigrilyo.#

Advertisements

Author: tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer who rose from a clan of artists and novelists.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s