ARBs NG DAR MAGSU-SUPPLY NG ORGANIKONG GULAY SA DSWD


 

MAGKAKAAGAPAY ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang Cabilga municipal government upang mabigyan ng malusog na pagkain na mula sa tanim ng local agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang 800 mag-aaral.

Ayon kay  Provincial Agrarian Reform Program Officer Leovigildo Monge, ang pagpapakain ng libre sa mga batang mag-aaral ay bunsod ng programang Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) na layuning mapabuti ang nutriyong kailangan ng mga bata mula sa 39 na daycare centers sa kanilang munisipalidad.”

Sa ilalim ng kasunduan, ang DAR sa pamamagitan ng 4 agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) ay regular na magsu-supply ng sariwang gulay sa DSWD municipal office na syang iluluto para sa mga batang mag-aaral.

Ang 4 na ARBOs ay ang Bulao Farmers Association, Canbagtic Farmers Association, Macaalan Farmers Association and the Panayuran Farmers Association.

Sinabi ni Municipal Social Welfare and Development Officer Eva Ranas na kakailanganin nila araw-araw ang 48 kilos of kamatis, 26 kilos sayote, 26 kilos kangkong, 33 kilos ampalaya, 18 kilos luya, 67 kilos kalabasa, 53 kilos sitaw, 93 kilos yellow papaya, 16 kilos green papaya and 26 kilos malunggay upang mapakain ang batang mag-aaral ng 39 na daycare centers. Sinigurado naman ni Ranas na bibilhin nila ang mga organikong gulay ayon sa presyo sa merkado.

Ang Partnership Against Hunger and Poverty (PAHP) ay hindi lamang makakapagpakain ng mga organikong gulay sa mga batang mag-aaral kundi kikita rin ng ekstra ang mga magsasakang benipisyaryo ng agraryo dahil magsisilbi rin itong matatag na merkado, ang regular na pag-supply ng inaning organikong gulay DSWD.

Dahil sa programang PHAP ay magtutulungan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang tiyakin na ang mahihirap na pamilya sa pamayanan sa malalayong lalawigan ay mabibigyan ng pangangailangang social at ekonomiya upang ibsan ang kagutuman at itaas ang antas ng kahilirapan sa kabukiran. (Cathy Cruz)

DAR turns over P6.5-M projects to agrarian cooperative


ISINALIN na ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan ang pangangalaga at pangangasiwa ng corn coffee processing facility sa Lapad Agrarian Reform Farmers’ Cooperative (LARFACO) na matatagpuan sa sa Lapad, Laguindingan, Misamis Oriental.
 
Bunsod nito isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan nina DAR represented by Macadindang na nagkaloob at LARFACO Chairman Danilo Quilab bilang tumanggap ng nasabing proyekto.
 
Kasama rin sina Lanao del Norte PARPO Jamil Amatonding at Municipal Agrarian Reform Officer Francis Padilla na sinasaksihan ng mga kasapi nito.
 
Nasa nabanggit na okasyon din sina Laguindingan Municipal Mayor Oliver Ubaub, Barangay Chairman Jimmy Refuerzo at CARPO Archie Ladera, Engr. Mark Bael, ARCCESS coordinator Chiona vBahian, SARPO Maybelle Alcala, and DAR provincial and municipal employees. Fr. Emerson Pasilan.
Si Fr. Wilson Legaspi naman ang nagbendisyon sa mga kagamitang pambukid at ang corn coffee processing facility.
Ang tulong ng DAR ay may kaakibat ding bodega, may palikuran, solar dyer bukod pa malaking traktora.
 
Ayon kay Undersecretary for Support Services Rosalinda Bistoyong ang nasabing proyekto ay malaking tulong sa kooperatiba ng magsasaka na nagtatanim ng mais dahil sa tatas ang ani ng mga magmamais na tiyak na magdudulot ng pagtaas ng kanilang kita. Dahil din sa kanilang binigay na tulong ay tiyak nilang de kalidad ang mga produkto nilang mais.
 
Nasa 200 libong piso ang pondong ginastos ng pamahalaan sa ginawang corn coffee processing facility sa ilalim ng Village Level Processing Center Enhancement Project (DAR-VLPCEP).
 
Samantala ang solar dryer and warehouse with toilet ay nagkakahalaga naman ng P3.38 million sa ilalim ng proyekto ng Agrarian Reform Infrastructure Support Project (ARISP) ng gobyerno.
 
Magkatuwang na pinondohan ito ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng ating pamahalaan.
 
Ang traktora naman ay mahigit sa 2 milyong piso sa ilalim ng Agrarian Reform Community Connectivity & Economic Support Services (ARCCESS).”
 
Hinikayat naman ni Provincial Agrarian Reform Program Officer Zoraida Macadindang ang mga tao ng Barangay Lapad na pangalagaan ang pibinigay na pasilidad at traktora para sa kapakanan ng mga susunod na lahi. (Cathy Cruz)

PATULOY NA NAMAMAHAGI NG LUPANG SAKAHAN, KASANAYAN AT TULONG PANGKABUHAYAN DAGDAG SERBISYO NG DAR


PATULOY na ginagampanan ng Department of Agrarian Reform ang kanilang mandato ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa. Isa na dito ang mga magsasaka ng munisipalidad ng Palimbag sa Sultan Kudarat ang pinagkalooban ng mahigit 3 libong ektaryang lupang sakahan.

 

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer I (PARPO I) Pabil Marohomsalic, ang mahigit isang libong magsasaka ay mula sa Barangay Batang Bagras na nakatanggap ng CLOA.

 

Bukod umano sa mga ipinagkaloob na lupa, nagkaloob din ang DAR ng pangkabuhayang proyekto, farm-to-market roads, at iba’t-ibang kasanayan upang mapataas ang ani ng kanilang mga produkto.

 

Samantala, nitong nagdaang katapusan ng Nobyembre, mahigit sa 15 libong farmer-beneficiaries ng DAR ang pinagkalooban din ng lupang sakahan na may kabuuang halos 41 libong ektarya ayon Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO II) Rodolfo Alburo.

 

Denekrala naman ang ang ika-17 na bubuhusan din ng tulong ng DAR ang Barangay Batang Bangras na isang special agrarian reform community (ARC).

 

Pinapurihan naman ni Administrator Zahara Maulana, representate ni Mayor Abubacar Maulana ang mga opisyal ng DAR dahil magdudulot umano ito ng kapayapaan sa kanilang lugar dahil sa mapapataas nito ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga kababayan sa nasabing munisipalidad.

 

Inaasahan naman ng mga opisyal ng DAR particular si PARPO I  Marohomsalic na pangangalagaan ang ipinagkaloob na lupang sakahan ng gobyerno ng mga magsasaka at pagyamanin upang paunlarin ang kanilang buhay, hindi ang ibenta sa mga negosyante. Cathy Cruz