SSS CANDON BRANCH IPINAGDIWANG ANG TAUNANG PENSIONERS DAY


Mahigit 500 pensyonado ng Social Security System (SSS) Candon Branch ang sumali sa kasiyahan at pagdiriwang ng taunang Pensioners Day noong ika-29 ng Hulyo, 2015 sa Tagudin Municipal Auditorium, Tagudin, Ilocos Sur.

Makikita sa itaas na larawan si Tagudin Mayor Hon. Atty. Jose V. Bunoan, Jr at SSS Assistant Vice President for Luzon North Division Mr. Luis Olais na nagbibigay ng mensahe sa mga pensyonado mula sa mga bayan ng Tagudin, Suyo at Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Makikita rin sa ibabang larawan naman (L-R) ang mga dumalong pensioners na nakikisaya sa mga inihandang parlor games, makikita rin si SSS Candon Branch Head Mr. Francis F. Pentecostes na magiliw na isinasayaw ang isa sa mga dumalong pensyonado at ang mga pensioners sa kanilang mainit na dance number presentation.

Lahat ng mga dumalo ay nakatanggap ng eco-bags, mugs at iba pang regalo mula sa SSS. Ang SSS Pensioner’s Day ay isang taunang selebrasyon, hindi lamang para magbigay aliw at sigla sa mga pensiyonado sa SSS, kundi pati na rin palawigin pa ang samahan ng bawat miyembro.

Ang SSS Candon Branch ay binuksan noong ika-31 ng Oktubre, 2014 at ang pangatlong SSS Branch sa Ilocos Region.

Posted By: Lynne Pingoy

About tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer and rose from the clan of artist and novelist.
This entry was posted in Local News and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s