STATE OF YOLANDA RECONSTRUCTION: THE AQUINO LEGACY


Sa Hulyo 27 na gaganapin ang huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Benigno Aquino III. Dahil ito na ang huling SONA ni PNoy tiyak na ipagmamalaki niya sa okasyong ito ang mga nagawa ng kanyang administrasyon.

Asahan din natin ang mga gagayak sa SONA na mga kandidatong maghihintay ng pasimpleng pag-endorso ni PNoy sa kanyang talumpati. Ang kanilang hinahabol ay ang paglarga sa pondo ng administrasyon upang matustusan ang kanilang magiging proyekto at ang pambili nila ng boto.

Isa sa maipagmamalaki ni Aquino sa kanyang SONA ang patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng humagupit ang Super Typhoon Yolanda sa Pilipinas.

Halos dalawang taon pagkatapos ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa sentro ng Pilipinas, ang pagbabagong buhay ng mga apektadong kumunidad sa 171 siyudad at munisipyo sa walong mga rehiyon ay nananatiling isang madalian na usapin para sa administrasyong Aquino. Ang category 5 na bagyo, ipukol na bigla ang pagpapakilos ng pandaigdigang pagsusumikap sa pangunguna ng United Nation (UN) pati na rin ang lokal na pagkukusa sa isang gahiganteng misyon ng pagtugon at muling pagtatatag sa mga nasira dulot ng pinakamalalang pagtama sa lugar kung saan 14 milyong Pilipino ay apektado. Ang kabuuang gastos ng rehabilitasyon ay nagkakahalaga ng P361 bilyon hanggang P170 bilyong na naging earnmarked para sa medium-term intervations ng pamahalaan.

Ang gobyerno ng Aquino ay nagkaroon ng utang para sa Yolanda reconstruction sa halagang 126,183 bilyong piso nang walang pahintulot ng mga tao. Ang pinagsamang donasyon galing sa 58 foreign government ay umabot sa US $618, 315, 107.26 para sa mga nasalanata nuon ng bagyong Yolanda. Nasaan na ba ng mga donasyong binigay ng ibang bansa para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda, marahil nasa bulsa na ito ng mga kurakot na pulitiko. Hanggang ngayon hindi pa rin naiipamahagi ang mga donasyon sa mga taong nararapat na makatanggap nito. (Lynne Pingoy)

Advertisements

Author: tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer who rose from a clan of artists and novelists.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s