DOST workshop for handloom weavers


Nagsagawa ng isang orientation-workshop ang Department of Science and Technology (DOST) katuwang ang Philippine Commission on Women na pinamagatang “TELA Matters: A techno-preneurship Orientation-Workshop for the Philippine Handloom Weaving Communities”.

Nasa 20 kinatawan ng mga kasosyong PTRI communities ang nakilahok sa nasabing aktibidad. Ang mga ito ay nagmula pa sa mga probinsya ng Ilocos Norte, Bontoc, Bulacan, Aklan, Antique, Iloilo, Bukidnon, Misamis Oriental at South Cotabato. Ang mga ito ay magbibigay ng kapabilidad sa mga komunidad na mapa-unlad ang kanilang konsepto, iba’t-ibang pamamaraan sa paghahabi.

Ilan sa mga speakers na dumalo sa workshop ay sina Isabel Tesoro ng Tesoro’s Group of Companies; fashion designer na si Patrice Ramos-Diaz, former designer Dom Martin Gomez na siya ring curator ng Monastery of the transfiguration at isang advocate ng Philippine woven textiles; Professor Nestor Raneses, Vice-President at Executive Director ng UP-Institute of Small Scale Industries; Engr. Henry R. Listano, science research specialist II mula sa PTRI at ang master weaver na si Josie Garlitos.

Isang mini pop-up exhibit din ng produkto ang idinisplay sa dalawang araw na event. Dinaluhan din ito ni Sen. Loren Legarda, may-akda ng Tropical Fabrics Law na naglalayong i-promote ang PhilippineTropical fabrics sa pamamagitan ng paggamit nito sa paggawa ng mga uniporme ng mga mag-aaral gayundin ng mga empleyado sa opisina at gobyerno.

Ang orientation-workshop ay bahagi ng PTRI’s pre-event para sa darating na 2015 National Science and Technology Week na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City, mula July 24-28, 2015. (S&T Media Services)(Freda Migano)

About tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer and rose from the clan of artist and novelist.
This entry was posted in Science & Technology and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s