MWSS, Manila Water at QC, matagumpay na idinaos ang Camp Pag-ibig


Pinangunahan ng pamahalaang lokal ng Quezon City kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water ang ika-tatlumpu’t walong pagdaraos ng Camp Pag-ibig na ginanap kamakailan sa Balara Filters Compound.
Ang taunang programa ay dinaluhan ng 3,000 special children. Kasama sa mga programang hinanda ay may kaugnayan sa sining, water lectures at interactive handwashing demo na pinangunahan ng mga empleyado ng Manila Water.
Napili ang temang “Evolving Capacity with Family and Community Participation” para sa nasabing programa na sinuportahan din ng Department of Education–Special Education, Philippine Association for the Retarded at Junior Chamber International, isang samahan ng mga aktibong mamamayan mula sa higit na 100 bansa sa buong mundo..
Si Ruel Maranan, Group Director ng Corporate Human Resources ng Manila Water ang tumanggap at nagbigay ng paunang-bati sa mga sumapi sa dalawang-araw na Camp Pagibig, kasama rin si 3rd District Representative Jorge “Bolet” Banal Jr. at iba pang mga kinatawan ng lokal na pamahalaaan ng  lungsod ng Quezon.
MWC camp pagibig
Posted by: Freda Migano
Advertisements

Author: tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer who rose from a clan of artists and novelists.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s