SPED CENTER SA BAWAT DISTRITO IMINUNGKAHI SA QC


Dapat magkaroon ng kahit tig-isang Special Education Center (SPED) ang bawat distrito sa Quezon City para sa mga batang may special needs.

Hinikayat ni Konsehala Aly Medalla ng 2nd district ng QC si Mayor Herbert Bautista na maglagay ng mga District SPED centers upang mapangalagaan ang karapatan ng mga children with special needs sa pagkakaroon ng de kalidad na edukayson.

Ayon kay Medalla, ang paglalagay ng SPED centers sa bawat distrito, lalo na sa mga lugar na wala nito ay makakatulong sa mga magulang  na makatipid sa gastos sa pagpapaaral ng bata sa special schools.

Kailangan din aniya na maglaan ang pamahalaan ng suporta at tulong sa bawat bata na may special needs.

Ang mga SPED Centers, dagdag ng konsehal, ay magsisilbi ring lugar para madibelop ang abilidad, talento, interes, at lahat ng aspeto sa kanilang paglaki upang maging mas responsable sa kanilang paglaki at maging epektong kabahagi sa pagsusulong ng bansa.

Naniniwala ang konsehala na ang paglalagay ng mga SPED centers ay makapagbibigay ng positibong pananaw sa publiko ukol sa mga batang may disability. Divine/ Maureen Quiñones, PAISO

About tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer and rose from the clan of artist and novelist.
This entry was posted in Local News. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s