MAGRERETIRO AT RETERADONG KAWANI NG QC HALL NANAWAGAN SA GSIS


NANANAWAGAN ang nagretirong kawani ng Lungsod Quezon sa pamunuan ng GSIS, hinggil umano sa hindi tamang kwenta sa ibinigay na GSIS Retirement Benifits sa kanyang pareretiro. Ang reteradong empleyado ng Quezon City Hall na ayaw ng magpabangit ng pangalan ay humingi ng tulong sa ilang miyembro ng Media tungkol sa nakita nilang deperensiya sa ibinigay ng GSIS na Retirement Benefit Voucher.

Ang nasabing retiradong empleyado ay nagtaka, dahil sa ang GSIS Retirement Benefit Voucher na natanggap niya ay nakasaad lamang ang 10 taong serbisyo nya sa gobyerno at may sahod na mahigit sa 23 thousand lamang, gayong batay sa kanyang Service Record na inilabas ng Quezon City Personnels office ay may 13 taon na siya sa kanyang serbisyo at ang huling sahod na natatanggap na mahigit 37 thousand pesos. Malaki aniya ang kakulangan sa ibinigay na kuwenta na dapat niyang matanggap para sa kanyang benepisyo.

Kung kaya nanawagan ito at ang mga magreretiro pang ibang kawani ng QC hall sa pamunuan ng GSIS na ayusin naman ang kanilang serbisyo dahil pag tumataas aniya ang sahod nila ay tumataas din ang ibinabayad na Premium ng Government at Personal Share. Kaya dapat naman sana  umanong pagtuunan at bigyang pansin ito ng kasalukuyang pamunuan ng ahensiya.

Sinabi pa ng mga malapit ng magretiro, kung paano naman daw ang iba pang magreretiro ring empleyado na katulad nila, kung ganito nang ganito ang nangyayari sa nasabing ahensya?

Pinaghirapan naman daw nila ito at binuno ang ilang dekada sa pagseserbisyo sa publiko, kung kaya gusto naman nila na maging maayos naman ang kanilang pamumuhay lalo na’t sila ay matanda na, at Hindi naman daw ito para sa kanilang pangangailangan sa sarili, kundi para sa pamilyang kanilang maiiwan sakali mang kunin na sila ni lord, ayon pa sa ilang kawani QC Hall.(RAFFY RICO/JIMMY CAMBA)

Advertisements

Author: tuklasinnatin

A Journalist and served government for 20 years. A community organizer who rose from a clan of artists and novelists.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s