DAR PATULOY SA PAGSERBISYO SA PUBLIKO


DAR PATULOY SA PAGSERBISYO SA PUBLIKO

SA tuwinang dumaraan tayo sa Elliptical Circle nakikita natin ang malayang pagpapahayag ng mga magsasaka sa harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR). Hindi dahil wala ginagawa ang nasabing ahensya para sa kapakanan ng mga mahihirap natin magsasaka kundi talagang hinahayaan ng DAR na maipahayag ang kanilang hinaing sa pamahalaan ngunit nananatiling bukas ang tanggapan upang marinig ang kanilang mga reklamo at pangangailangan sa kanilang mga lalawigan.

Ano nga ba mayroon sa DAR upang hindi lang ito puntahan ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang panig ng bansa? Kapansin-pansin din na takbuhan din ito ng mga kapatid natin sa trabaho dahil ito ang sentro ng Lungsod Quezon ng mga ahensiya ng pamahalaan. Higit sa lahat dito rin ang itinuring nang ‘tahanan ng media’ hindi lamang dahil masarap gumawa ng istorya dahil tahimik at nasa kanilang ‘Press Office’ ang lahat ng pangangailangan ng isang media. Mula sa telepono na ginagamit pang-report ng mga ‘field reporters’, ‘computers’ at ‘internet access’ na ipinagkaloob ng Public Affairs Services (PAS) sa pangunguna ni Director Hugo “Buboy” Yunzon.

Ano pa nga ba ang hahanapin ng isang media na tulad ko? Bukod sa sapat na pasilidad at serbisyo kundi maging pantawid gutom na ibinibigay ng ahensya. Subalit talagang may mga tao o grupo na animo asal ‘amo’ ang turing sa kanilang mga sarili. Mukhang nakakalimutan nilang sila ay nakikibahay o nakikisuyo lamang din sa nasabing ahensya.

Sa abot ng aking kaalaman at sa pakikipanayam namin sa butihing Kalihim ng DAR ay bukas ang kanilang tanggapan sa pagseserbisyo gayundin sa mga pasilidad na maaring tamasahin hindi lamang ng mga kasama natin sa hanapbuhay kundi ng publiko sa kabuuan na sya namang ginagawa ng nasabing ahensya.

Sinasabi ko ito hindi dahil nakikinabang ako sa DAR kundi isa rin akong dating kawani ng DAR na higit na nakababatid ng mandato na syang ginagawa ng bawat empleyado ng DAR. Madalas, huwag nating tignan ang maliliit na bagay na hindi karakarakang naibigay sa atin o nagawa kundi ang mas higit nating timbangin ay ang serbisyo sa bayan na patuloy na ginagawa ng kagawaran para maiangat ang antas ng buhay ng bawat magsasaka sa pamamagitan ng imprastrakturang mga proyekto, kabuhayan at tulong pinansyal na ibinibigay.

Bilang isang mamahayag, gamitin natin ang ating talino, lakas at impluwensya hindi para sa mga personal nating kabutihan. Pasintabi sa mga kasamahan ko, ilan sa mga yan ay kapag walang ganansyang makukuha kahit mahalaga ang istorya at sangkot ang kabutihan ng bayan hindi yan pag-iinteresang ilabas o puntahan ang ‘Press Conferences’. Bakit hindi natin gamitin ang ating segmento o kolum sa mas kapaki-pakinabang na bagay? Hindi na ito usapin ng isang tao, grupo o ahensya lamang . . . ito ay isyu na ng bansa na dapat sama-sama nating labanan ang patuloy na pagtaas ng gasolina, kuryente at tubig na syang pangunahing kailangan ng bayan. Kahirapan ang dahilan ng pagkamatay ng marami nating kababayan na resulta ng pagkagutom at pagkakasakit.

Ang DAR ay isa lamang sa ahensya ng pamahalaan na walang humpay sa paghanap ng solusyon upang sinsero at makatotohanan maihatid at maramdaman sa mga lalawigan ang kagustuhan ng pamahalaan na maiangat ang buhay ng bawat magsasaka sa kanayunan.

Impormasyong totoo hango sa mga namumuno ng mga ahensya ng pamahalaan ang dapat nating ipahatid sa publiko upang malaman nila ang tamang hakbang at proseso upang makamtan nila ang programa ng pamahalaan. Hindi ang banatan ang mga lider ng kagawaran na nagpapala dahil lamang sa personal na kadahilanan. Cathy Cruz DWAD Lingkod Bayan at PSciJourn Mega Manila.-30-

Advertisements

PDEA PUSPUSANG PAGSASANAY GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA


 

PDEA PUSPUSANG PAGSASANAY GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

DAHIL sa masidhing pagnanais na masawata ang pagpasok, pagkalat at makabagong istilo na ginagawa ng mga sindikato ng droga sa bansa, si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago ay magsagawa ng 5-araw na pagsasanay sa paggamit ng armas sa mga bagong magiging operatiba ng nasabing ahensya na gagawin sa PDEA Academy, Silang Cavite kaugnay sa paghahanda ng mga bagong biling TAVOR at GPS para sa mas epektibo at kalidad na pakikipaglaban sa mga ‘drug lords’ at mga galamay nito. 

Nagkaroon ng pagbabasbas sa 120 units ng TAVOR Assault Rifle CTAR 21 (Commander Tavor Assault Rifle), Global Positioning System (GPS) at bodega na paglalagakan ng TAVOR sa Tanggapan ng PDEA noong Disyembre 14. Ang nasabing ripple ay gawa sa Israel at ito ay itinuturing na mas mabisa kaysa sa M16 dahil tinatayang nasa 15 rounds/second ang ibinubuga ng nasabing armas.

“Kung hindi makuha sa santong dasalan ay dadaanin sa santong paspasan”, ito ang mensaheng iniwan ni Gen. Santiago sa mga kalaban ng estado lalo na sa mga ‘druglords’. Aniya inaasahan nyang ang mga makabagong armas ng PDEA ay magreresulta sa pagkabawas ng namamatay sa kanilang panig ngunit pagtiyak din na ang nasabing armas ay gagamitin lamang sa mga matitigas ang ulo subalit may pag-iingat ang sinumang gagamit ng mga operatiba ng nasabing ahensiya. 

Nasa apat na libong aplikante ang nagsubok na mapabilang sa mga magiging operatiba ng PDEA subalit naging na 165 lamang ang nakapasa na sasanayin sa paggamit ng makabagong armas ng PDEA dahil sinisiguro ang pamunuan ang masusing pagsasanay at nagtataglay ang mga ito ng mabuting ‘track record’. Isa sa mga naging dahilan ng hindi pagkakapasa bilang operatiba ng PDEA ay dahil ilan sa kanila ay may mga kasalukuyang kaso na nakasampat at ang iba naman at nadismis na.

Ayon pa ring sa matapang at masipag na Senior USEC na bagaman ang ilan ay hindi nakapasa ay dapat pa rin anilang ipagmalaki pagkat sila ay naging kabahagi ng kanilang tanggapan. Dagdag pa ng PDEA Chief na kanilang itinama at inayos ang depensa ng kanilang mga tauhan sa paraan at sistema ng pakikipaglaban. Dagdag pa ni Gen. Santiago na sa kasalukuyang sinisikap nilang ang mga banyagang sindikato ng droga ay hindi na makakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan nila sa mga karatig na bansa tulad ng mga bansang Tsina, Malaysia at maging sa Thailand.

 -30-

SELEBRASYON NG ANTI-CORRUPTION DAY GINUNITA NG OMB


 

INTERNATIONAL ANTI-CORRUPTION DAY

GINANAP noong Disyembre 9 ang sabay-sabay na pagpapatunog ng ‘Bell’ ng lahat ng pampublikong paaralan sa bansa at nagdasal ng Multi Sectoral Anti-Corruption Council (MSACC) Prayer ang lahat ng estudyante at guro na ilan sa mga ito ay kasapi rin ng Junior Graft Watch Unit (JGU) kaugnay sa paggunita ng “2010 International Anti-Corruption Day”.
Nagkaroon din ng ‘integrity shout out’ na may temang “Sigaw Laban sa Katiwalian, Aksyon!” na isinagawa sa Tanggapan ng Ombudsman.
May mga makikita ring mga iginuhit na ‘editorial cartoon’ mula sa naganap na mga paligsahan noong pang Nobyembre buhat sa iba’t-ibang paaralan sa National Capital Region (NCR) na may temang “Simula ng Pagbabago, Ngayon!”.
Lumahok din sa nasabing aktibidad ang Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK), Community Force Multipliers for Peace, Inc. (CFMI), Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) gayundin ng iba pang katuwang na ‘civil societies’ at ahensiya ng pamahalaan na miyembro ng MSACC.
Panawagan ni Assistant Ombudsman Jose De Jesus, Spokesperson din ng nasabing tanggapan sa publiko na patuloy na magtiwala sa kanilang tanggapan at sama-samang labanan ang katiwalian sa gobyerno na nagdudulot ng matinding kahirapan sa bansa.
Mula dito sa Tanggapan ng Ombudsman Cathy Cruz para sa programang Lingkod Bayan DWAD nag-uulat.
-30-

OPISYAL NG BARANGAY NAHULI NG PDEA


 

ISANG Barangay Chairman ng Autonomous Region for Muslim Mindanao ang naaresto kamakailan gayundin ang isang ‘narco-politician’ sa isang ‘drug buy-bust operation’ ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

            Sa kabilang dako, ang isinagawang operasyon nang magkanib na puwersa ng PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO) at ng Area Task Group-Bravp (ATG-B) noong Disyembre 9 bandang alas-4 ng hapon sa isang ‘parking lot’ ng Trinoma Mall sa Barangay Pag-Asa, Lungsod ng Quezon ay nagresulta ng pagkakahuli ni Pangalian Sarib Barao alyas Abdul na bagong halal na Kagawad sa Cabayuan, Buldon, Maguindanao subalit kasalukuyang naninirahan sa Gunao Street, Quiapo, Maynila. Natagpuan sa kanya ang dalawang (2) ‘sachet’ ng shabu na ibinalot pa sa dyaryo at selyado ng ‘packing tape’ at ng isang (1) Isang Libong Piso at ‘boodle money’.

            Dito lamang pinatutunayan ng PDEA na maging opisyal ng barangay ay napasok na ng sindikato ng droga ganunpaman hindi titigil ang PDEA sa pagmamatyag at paghuli sa mga aktibidad ng mga suspek na pawang mga pulitiko.

            Babala ng PDEA Chief na walang kinikilingan ang kanilang ahensya maging sila man ay pulitiko basta’t sila ay nauugnay, kabilang at nagsasagawa ng illegal na aktibidad ng droga dahil batas ang kanilang paiiralin.

-30-

DTI’s Diskwento Caravan goes nationwide on May 15; Offers up to 50% discount in school supplies


The Department of Trade and Industry’s flagship project Diskwento Caravan will be going to key cities across the country this May 15 onwards, with school supplies and basic goods available at deeply discounted prices.

Dubbed as Diskwento Caravan: Balik Eskwela edition, this one-day sale aims to ease the consumers’ burden of rising prices of basic necessities and prime commodities as well as school supplies, with the start of classes just a few weeks away.

A variety of products will be available at Diskwento Caravan, including school supplies, school uniforms, kid’s leather shoes and school bags, canned goods, processed meat, bread, cooking oil and detergent soaps. MSME Corner will feature local products made by micro, small, and medium entrepreneurs.

Other government agencies will join the Diskwento Caravan to offer frontline services such as the TESDA for free haircut, National Statistics Office (NSO), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), and Social Security System (SSS).

DTI invites all consumers to buy at Diskwento Caravan to get big discounts and save more money this upcoming start of classes. Diskwento Caravan will be available in the following cities tomorrow, May 15:

Region Venue Contact Person
NCR Quezon City Hall ARD Ferdie Manfoste/ Rowena San Jose
NCR Cuneta Astrodome, Pasay City ARD Manfoste/ Vivien Alarcado
CAR  Baguio Convention Center RD Myrna Pablo
1 Bagsakan Center, Agoo, La Union RD Florante Leal
2 St. Peter Metropolitan Cathedral Grounds, Tuguegarao City, Cagayan RD Esperanza Banares
3 Balanga Plaza, Balanga City, Bataan PD Yay Lasam
4-B Romblon, Romblon PD Rodolfo Mariposque
9 Plaza Pershing, Zamboanga City PD Engr. Rolando Acuna
10 Iligan City PD Ermedio Abang
13 Wing-on Quick Mart Parking Lot, Langihan Butuan City OIC Gay Tidalgo

Other Diskwento Caravans will be conducted in the following dates:

Date Region Venue
May 16-20 4-B Romblon, Romblon
May 17-18 4-A Antipolo City, Rizal
May 17-18 8 Ormoc City, Leyte
May 18 NCR Plaza de Borja, Pateros City
May 18-19 3 Baler Plaza, Baler, Aurora
May 18-19 5 Naga City, Camarines Sur
May 22 11 Digos City, Davao del Sur
May 27 4-A Bay, Los Baños City, Laguna
May 28 11 Davao City
May 28-29 4-A Capitol Grounds, Sta. Cruz, Laguna
May 29 8 Tacloban City

Source: DTI Public Relations Office

DISKWENTO CARAVAN, AYUDA NG DTI SA MGA MAMIMILI NGAYONG PASUKAN


KASALUKUYANG ginaganap ang isang araw na Diskuwento Caravan sa harapan ng Quezon City Hall ng Department of Trade and Industry (DTI) na umaabot sa isang daang beses sa loob ng isang taon sa iba’t-ibang piling lugar sa bansa.

Ang Diskuwento Caravan Balik Eskuwela Edition ay ginagawa ngayong araw sa siyam (9) na rehiyon na matatagpuan sa Cuneta Astrodome, Pasay City; Baguio Convention Center; Bagsakan Center, Agoo, La Union; St. Peter Metropolitan Cathedral Grounds, Tuguegarao City, Cagayan; Balanga Plaza, Balanga City, Bataan; Romblon, Romblon; Plaza Pershing, Zamboanga City; Iligan City; at Wing-on Quick Mart Parking Lot, Langihan Butuan City

Ang DTI Balik Eskuwela Edition ay taunang ginagawa ng kanilang ahensya bago magsimula ang pasukan ng mga estudyante mula buwan ng Mayo hanggang unang kalahating bahagi ng buwan ng Hunyo, sa layunin nitong makatulong sa mga mamimili lalo na sa panahon ng pasukan ng mga mag-aaral na makamura mula sampu hanggang limampung porsiyento nang halaga kumpara sa pangunahing pamilihan tulad ng divisoria ng mga bilihing gamit pang-eskuwela, yuniporme at bag gayundin ng pangunahing pagkain tulad ng bigas, gulay, gatas, de latang karne, mga panangkap, pandesal at loaf bread.

Pasasalamat naman ang ipinaaabot ng DTI sa mga ‘manufacturer’ at ‘supplier’ na tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Kaalinsabay din nito ang mga mabilisang serbisyong puwedeng ibigay ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng NBI, SSS, BIR, at NSO na dinadala sa ‘caravan’ sa pag-register ng ‘individual’ o ‘employee numbers’ gayundin sa TESDA na may libreng masahe at gupit.

Magpapatuloy pa rin ang Diskuwento Caravan sa iba’t-ibang panig sa bansa sa magkakaibang petsa sa buong buwan ng Mayo. Cathy Cruz

PINARANGALANG KAWANI NG NRCP


SA ginanap na Fellowship Night ng National Research Council of the Philippines (NRCP) ay ginawaran din ng parangal ang ilang kawani nito na patuloy na nagsilbi sa matagal na panahon para sa pagsasagawa ng pag-aaral para sa kagalingan ng bansa kabilang dito sina Ruby B. Villavicencio, Melinda L. Perez, Nilo D. Dalida, Lani P. Manalo at Alejandro R. Salamat na umabot sa 25 taon sa pagseserbisyo; Antonio A. Mariano at Ruby S. Anuncio ng 30 taon sa panunungkulan; Lina N. Alferez, Alice C. Mercado at Dr. Napoleon P. Hernandez, Executive Director ng NRCP na naglingkod ng 35 taon gayundin si Luz A. Aramil na pinakamatagal empleyado na umabot ng 40 taon.