TUKLASIN NATIN

Tutuklasin ang mga dapat malaman ng sambayan . . .

Pinoy Outstanding

with one comment


SWERTE O KASIPAGAN NG ISANG TAGA-PAYATAS?

Ang mag-asawang Jose Razul Janoras at Marilyn Cafirma Janoras, kapwa mga residente ng Barangay Payatas. Sino ang mag-iisip na sa isang payak na lugar sa lungsod Quezon ay mayroong gawaan ng naggagandahang ‘ladies bags’ na pwang likha ni G. Janoras?

Mas kilala sa taguring Razul ng mga kaibigan at kapitbahay sa Payatas. Hindi sinuwerteng maging Kagawad noong nakaraang eleksiyon ng Barangay ngunit nagging matagumpay naman sya sa larangan ng pagnenegosyo na pinatatakbo sa mahigit isang dekada na.

Buhat sa lalawigan ng Bikol nang bata pang lumuwas sa Maynila. Hinarap ang masalimuot na buhay at dahil sa sitwasyong kinasadlakan ay hindi pinalad na makatuntong ng pag-aaral sa high school. Ngunit kahirapan din ang nagging susi nya upang magpunyagi at maging isang matagumpay na manggagawa ng ‘ladies bags’.

Nagkakilala at nagsimula sa pangangamuhan ang mag-asawa sa nagging ninong din nila nang sila ay ikasal sa pagawaan ng mga bags sa Marikina. Dahil sa taglay na kasipagan at katapatan hindi nangimi ang kanilang amo na ngayo’y ninong na rin nila na sila ay bigyan ng pansimula sa kanilang nagging matagumpay na negosyo.

Naging hakbang at tuntungan ni G. Razul ang kanyang eksperyensya at kasanayan sa kanyang negosyon buhat sa simpleng pagbubuo ng bag hanggang sa pakikipag-transakyon sa iba’t-ibang malalaking kumpanya tulad ng SM Department Stores at ngayon ay SM Hypermarket din.

Sa kanyang malikot na imahinasyon ay nakabubuo o nakalilikha sya ng iba’t-ibang magagandang sariling disenyo na makikita natin sa lahat ng SM Department Stores sa buong Pilipinas.

Pinatunayan lang nga mag-asawa lalo na ni G. Razul na ang susi ng tagumpay ay higit at patuloy na pananalig sa Poong Maykapal, sipag, tyaga at katapatan sa anumang ginagawa at sa kapwa.

-30-

Written by tuklasinnatin

December 6, 2010 at 8:25 pm

One Response

Subscribe to comments with RSS.

  1. Hi Mr. Razul,

    You were my guest sometime last year, but i couldnt get reach you in your mobile number. Maybe you’ve changed it. I want you to be one of my guests again in my radio program tomorrow from 7pm-9pm at HAPPI Radio Program at RMN DZXL to inspire our listeners. To remind you, RMN DZXL is located at 4th floor of Guadalupe Commercial Complex Makati. Please call me at my mobile phone number 09175310904 or call the radio station between 7pm-9pm anytime if you want to be interviewed live on air or if you have time, come and visit the radio station.

    Best regards,

    Raffy Chico
    Anchorman of HAPPI

    Rafael Chico

    June 10, 2011 at 9:16 am


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.