Magsasakang Pinoy
DAR, 55.3 MILYONG PROYEKTO PARA SA MGA MAGSASAKA SA BATAAN
PINAGKALOOBAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng proyektong pang imprastraktura ang lalawigan ng Bataan na nagkakahalaga ng 55.3 milyong piso.
Ang bagong gawang ‘communal irrigation project’ sa Banawang, Bataan na halagang 27. 5 milyon gayundin sa Saysain na tinatayang 11.2 milyon kung saan magpapatubig sa 2,747 ektaryang agrikulturang lupain na ang pangunahing pananim ay palay, mangga at kamote.
Samantalang ang isinaayos naman na irigasyon sa mga munisipyo ng Morong at ARMM ARC na umabot sa halagang 10.8 milyong piso sa lugar ng Alilao-Ambagan. Umabot naman ng 5.8 milyon sa Sungoy na ang lawak ay 3,726 ekataryang lupang tinataniman ng palay, saging at mangga.
Paliwanag ni Secretary Virgilio Delos Reyes sa mga magsasaka na ang mga irigasyong ginawa ay bilang hakbang sa paiba-ibang klima na nararanasan sa bansa. Ayon pa sa kanya, hindi alam kung kelan darating ang tag-ulan kaya ang mga ginawang pasilidad ay para sa mga magsasaka upang hindi na poproblemahin ang tubig para sa kanilang sinasakang lupa dumating man o hindi ang tag-ulan, kaya dapat aniya na kanilang pagmalasakitan, ingatan at huwag kalimutang bayaran ang kanilang obligasyon sa patubig.
Binanggit din ni Kalihim Delos Reyes na ang 55 milyong halaga ng proyekto sa ginawang irigasyon ay katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng bawat bayan batay sa kakayahan ng pananalapi.
Inayunan ni World Bank Country Director Mark Woodward ang Kahilim ng DAR at sinabing ang irigasyong ginawa ay isang ‘long term investment’ pagkat habang may lupang sinasaka ay lagging nandyan ang pangangailangan ng irigasyon sa bansa.
Ayon naman kay Bagac Vice Mayor Jun Mendoza, umaasa siya na aangat na ang produksiyon ng anis a kanayunan dahil sa proyektong pang imprastraktura na ipinagkaloob at magsisilbing gamit na magbibigay ng pangkabuhay at pamumuhunan sa kanayunan.
-30-
‘FARM-TO-MARKET ROADS’ NG DAR PARA SA MINDANAO
KAMAKAILAN ay inilunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng Agrarian Reform Communities Project Phase 2 (ARCDP2) sa Zamboanga Del Sur at Lanao Del Sur na may kabuuang 75.8 milyong halaga ng ‘farm-to-market roads’.
Nanguna si DAR Secretary Virgilio R. Delos Reyes sa paglalagay ng pananda o ‘groundbreaking’ para sa nasabing proyekto sa Tambuli, Josefina, Domingag, Zamboanga Del Sur at Ganassi, Lanao Del Sur na mag-uugnay sa mga komunidad ng mga magsasaka upang ang kanilang mga produktong agricultural ay medaling madala sa pamilihang bayan.
Ayon kay Kalihim Delos Reyes na ang mga kalsadang gagawin ay malaking maitutulong hindi lamang sa mga resident eng mga nabanggit na lalawigan kundi higit sa mga magsasaka dahil makababawas ito sa mataas na gastusin nila sa transportasyon mailuwas at mapabilis lamang ang pagdadala ng kanilang mga produkto sa kabayanan.
Dagdag pa ni Secretary Delos Reyes na ang 75.8 milyong proyekto ay may kabahagi rin ang mga lokal na pamahalaan batay sa kakayahan ng pondo ng bawat lalawigan.
Ang pagpapagawa ng mga kakalsadahang ito sa mga lalawigan ay kinabibilangan ng ‘9km road’ na may halagang 23.4 milyon para sa pagsasaayos ng Josephina Highland Arc na uugnay sa Barangay Nopulan at Bago Calabat. Kasama rin ang ‘6.10 km road’ na 33 milyon sa Ganassi, Lanao Del Sur na kokongreto sa kasalukuyan nang kalsada sa Taliogan ARC na syang magdudugtong sa mga Barangay ng Barit, Taliogan, at Tabuan samantalang ‘11.6km road’ naman na may halagang 16.12 milyong piso na kokonekta sa mga Barangay ng Gabunon, Tuluan, Libato at Bag-ong Tabugon ng munisipyo ng Tambulig. Gayundin 3.44 milyon sa gagawing kalsada ng Dimungag na may habang .93km kung saan makikinabang ang Barangay Maralag at Libertad.
Si Nida Salangca-on, namumuno sa mga lider ng matatandang tribo ng Subanen sa Josephina Highland ARC ay ipinahayag ang kanyang kagalakan at pasasalamat dahil sa wakas aniya ay may tulay nang gagawin at dahil ditto ay malaking maitutulong nito sa pagluluwas nila ng kanilang mga aning palay at mais patungo sa pamilihan. Inaasahan din umano nya na ang isa pang pinagkakakitan nilang sariling gawang ‘bead jewelry’ na isa sa kanilang pangunahing pinagkakakitaan ay madali na rin nilang madadala sa kabayanan.
Ang ‘farm-to-market roads’ na proyekto sa Ganassi ay pinondohan din ng World Food Program (WFP) ng United Nations (UN) upang makapagsuplay ng insentibo sa mga boluntaryong manggagawa na nasa 5 milyong halaga. Ayon kay Baicon Cayongcot-Macaraya, pinuno ng WFP-UN Field Office na umaasam syang ang pakikipagtulungan nila sa DAR ay magiging epektibo upang patuloy na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mahihirap at maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng mga gagawing kalsada patungo sa mga pamilihang bayan sa Ganassi, Lanao Del Sur.
Ang ARCDP2 ang tumutukoy sa isang lugar na sakahing lupa upang magkaloob ng proyekto upang matulungan ang mga kababayan nating magsasasaka sa kanayunan, sa pakikipagtulungan din ng Asian Development Bank (ADB), OPEC Fund for International Development (OFID) na tinatayang nasa 100 Milyong Dolyar na halaga pati ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
-30-